Davao City – Arestado ang isang indibidwal matapos mahuli sa isinagawang buy-bust operation ng Sasa PNP sa Doña Asuncion, Brgy. Pampanga, Davao City, noong Disyembre 7, 2022.
Kinilala ni Police Major Jake Goles, Station Commander ng Sasa Police Station, ang suspek na si alyas “Gar”, 56, residente ng Azucena St., Kadayawan, Bangkal, Davao City na tinaguriang Top 3 High Value Individual sa City level.
Ayon kay PMaj Goles, naaresto ang suspek matapos mahuli sa akto ng pagbebenta ng ilegal na droga sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Sasa PS at City Intelligence Unit.
Dagdag pa ni PMaj Goles, nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 10.4 gramo na may street market value na Php160,640 at marked money na ginamit sa operasyon.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagkakadakip sa suspek ay malaking kabawasan sa hanay ng mga nagbebenta ng ilegal na droga sa lungsod at ito ay naging matagumpay dahil sa tulong ng mga mamamayan na magreresulta upang makamit ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara