Arestado ng mga tauhan ng Pasay City Police Station ang tinaguriang High Value Target at Top 2 Most Wanted Person sa Station Level sa Tramo St., Barangay 64, Pasay City nito lamang Huwebes, Marso 6, 2025.
Ayon kay Police Brigadier General Manuel Abrugena, District Director ng Southern Police District, nadakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Pasay CPS, ang suspek na si alyas “Rudy”, 64 taong gulang at residente ng Barangay 157, Pasay City.
Inaresto si alyas “Rudy” sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(b) ng Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act”, na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
“Itong serye ng mga pag-aresto ay nagpapakita ng aming dedikasyon sa pagtiyak na ang mga kriminal ay nahaharap sa hustisya. Nananatili kaming matatag sa aming misyon na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan,” saad ni PBGen Abrugena.
Source: SPD PIO
Panulat ni PMSg Gargantos, RM