Arestado sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Sta. Ana Police Station ang Top 2 Regional High Value Individual nito lamang Agosto 9, 2024 sa Purok 7, Sta Catalina, Barangay Lapu-lapu, Davao City.
Kinilala ni Police Major Richeen M Lagnayo, Acting Station Commander ng Sta. Ana Police Station, ang suspek na si alyas “Sasang”, 29 anyos at residente ng nasabing lugar.
Narekober mula sa suspek ang 13.42 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na Php91,256, buy-bust money at isang coin purse at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ang PRO 11 ay patuloy na pinapaigting ang laban kontra ilegal na droga alinsunod sa kampanya ng Bagong Pilipinas na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan tungo sa pagsulong ng bansa.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino