Tiklo ang isang lalaki na tinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa probinsya ng Sultan Kudarat makaraang inihain ng pulisya ang nakabinbin na Warrant of Arrest sa Brgy. Atiplo, Mambusao, Capiz nito lamang Martes, Disyembre 5, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Richelu Alucilja, Hepe ng Isulan Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Junior”.
Bandang 7:00 ng umaga nang naaresto si Junior sa pinagsanib pwersa ng Sultan Kudarat PNP at Capiz PNP sa bisa ng Warrant of Arrest na walang rekomendadong piyansa.
Patuloy ang PNP sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas para sa serbisyong nagkakaisa at makamtan ang isang tahimik at ligtas na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin