Arestado sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng mga awtoridad ang Top 2 Most Wanted Person sa Provincial Level nito lamang Agosto 2, 2024 sa Purok 1-B, Barangay Datu Balong, San Isidro, Davao del Norte.
Kinilala ni Police Major Raul M Lucas, Chief of Police ng San Isidro Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Mark”, 20 anyos, manggagawa at residente ng nasabing lugar.
Ang suspek ay naaresto sa pinagsanib na puwersa ng San Isidro Municipal Police Station, at 1st Davao Norte PMFC sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 na may piyansang Php300,000.
Samantala, ang Police Regional Office 11 ay patuloy na pinapaigting ang laban kontra kriminalidad upang matiyak na managot ang lahat ng lumalabag sa batas.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino