Northern Samar – Arestado ng mga tauhan ng San Isidro Municipal Police Station, ang isang lalaki na Top 2 Provincial Most Wanted Person sa Brgy San Roque, San Isidro, Northern Samar nito lamang Miyerkules, ika-28 ng Setyembre 2022.
Kinilala ni Police Captain Emmanuel B Guardiano, Officer-In-Charge ng San Isidro MPS, ang naaresto na si alyas “Manuel”, 35, magsasaka at residente ng Brgy. San Roque, San Isidro, Northern Samar.
Ayon kay PCpt Guardiano, bandang 6:20 ng gabi naaresto si alyas “Manuel” sa isinagawang manhunt operation ng mga operatiba ng San Isidro Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest.
Nahaharap ang naaresto sa paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may inirekomendang piyansa na Php120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan at kasong Statutory Rape na walang piyansang inirekomenda.
Mensahe ni PCpt Guardiano, “Ang San Isidro Municipal Police Station ay nangangako na wakasan ang anumang uri ng kriminalidad sa lugar kaugnay ng walang humpay na pagsisikap ng organisasyon na pagsilbihan at protektahan ang komunidad”.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez