Arestado ng pulisya ang Top 2 Provincial Most Wanted Person na may kasong Rape sa Barangay Villa Hermoza Norte, Maddela, Quirino noong ika-8 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Major Francisco D Liwag, hepe ng Maddela PNP, ang suspek na si alyas “Boy”, 31 taong gulang, isang delivery boy at residente ng nasabing barangay.
Matagumpay na naaresto ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Maddela PNP, Regional Intelligence Unit 2, Quirino Provincial Intelligence Unit at 2nd Quirino Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest na para sa krimeng Rape na walang inirekomendang pyansa.
Patuloy na magsasagawa ng mga operasyon ang ating kapulisan para mahuli ang mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling mas maayos, tahimik at maunlad ang ating bansa tungo sa bagong Pilipinas.
Source: Quirino Police Provincial Office