Silay City, Negros Occidental – Nasakote ng PNP ang Top 2 Priority Target ng Silay City Police Station sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Mambulac, Silay City, Negros Occidental dakong 6:15 ng gabi ng Hunyo 22, 2022.
Kinilala ni PLtCol Robert Petate, Hepe ng Silay City Police Station, ang suspek na si Sharon Pelaez y Emilio, alyas “Eric”, 45, lalaki, may asawa, at residente ng Zone 5, Barangay Mambulac, Silay City na kabilang sa listahan ng mga priority target sa nasabing lugar at matagal ng minamanmanan ng mga operatiba ng ilang buwan.
Ayon kay PLtCol Petate, nakuha mula kay Pelaez ang humigit kumulang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Prize na Php102,000.
Pinuri naman ng Police Regional Office 6 Director na si PBGen Flynn E Dongbo ang Silay CPS sa kanilang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng kampanya laban sa ilegal na droga.
Samantala, ang akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.
Patuloy pa rin ang buong himpilan ng PNP sa pagpapatupad ng mas pinaiigting na kampanya laban sa mga pinagbabawal na droga at sa iba pang uri ng kriminalidad.
###