Misamis Occidental – Arestado ang tinaguriang Top 2 Most Wanted Person ng Cebu sa Provincial Level sa kasong Qualified Rape matapos maaresto ng pulisya sa Purok 6, Del Pilar, Balingao, Misamis Occidental nito lamang Miyerkules, Mayo 31, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, City Director ng Cebu City Police Office, ang akusado na si “Nylbert”, 43, na pansamantalang naninirahan sa Purok 6, Del Pilar, Balingao, Misamis Occidental.
Ang suspek ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Cebu City Police Office (CCPO) at Police Regional Office 10 sa bisa ng Warrant of Arrest.
Agad naman na isinailalim ang naaresto sa kaukulang disposisyon habang ang court of origin ng ginamit na Warrant of Arrest ay inabisuhan na sa pagkakadakip ng akusado.
Tiniyak naman ni Police Colonel Dalogdog na ang buong hanay ng kapulisan sa lungsod at maging sa buong rehiyon ay hindi tumitigil sa pagtunton at pagtugis sa mga personalidad na may pagkakasala sa batas.