Bukidnon – Arestado ang Top 2 Municipal Most Wanted Person sa kasong Frustrated Murder sa operasyon ng Maramag Municipal Police Station bandang 7:40 ng gabi sa Purok 10A, San Miguel, Maramag, Bukidnon nito lamang Linggo, Pebrero 12, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Julius Clark Macariola, Officer-In-Charge ng Maramag Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Richard”, 47, at residente ng nasabing lugar.
Nadakip ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Ang Maramag PNP ay hindi titigil sa paghuli sa mga may sala sa batas na nagtatago sa kanilang nasasakupan para mapanatiling ligtas, maayos at payapa para sa tuloy-tuloy na pag-unlad.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10