Walang takas ang isang Top 2 Municipal Most Wanted Person sa kasong Attempted Rape matapos maaresto ng mga operatiba ng PNP sa Barangay Buneg, Pozorrubio, Pangasinan nito lamang ika-20 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Major Jordan C Tomas, Acting Chief of Police ng Pozorrubio Municipal Police Station, ang nadakip na si alyas “Lando”, 48, walang asawa at residente ng Barangay Buneg, Pozorrubio, Pangasinan.
Naaresto ang suspek bandang 7:00 ng umaga ng Pozorrubio MPS kasama ang RID, PRO1 Intel at RIU1 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Rape na may piyansa na Php150,000.
Sa pamamagitan ng determinasyon ng Pozorrubio PNP mas papaigtingin pa ang kanilang pagganap sa tungkulin upang mapanagot ang mga tiwaling indibidwal na may pananagutan sa batas at masiguro ang seguridad ng mga mamamayan na kanilang nasasakupan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn Consul