Arestado ng pulisya ang tinaguriang Top 2 Municipal Most Wanted Person na may kasong 2 counts of Qualified Rape matapos mahuli sa Barangay Sapinit, San Jorge, Samar nito lamang Nobyembre 09, 2024.
Kinilala ni Police Captain Petronio F Piangco III, Officer-In-Charge ng San Jorge Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Mel”, 68 anyos, magsasaka at residente ng Barangay San Isidro, San Jorge, Samar.
Bandang 1:35 ng madaling araw nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng San Jorge Municipal Police Station kasama ang Criminal Investigation and Detection Group, Western Samar, Provincial Forensic Unit, 123rd Special Action Company, 12 Special Action Battalion, PNP-SAF, Highway Patrol Group Samar at Regional Mobile Force Battalion 8 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 2 Counts of Qualified Rape ng Revised Penal Code article 266-B na walang piyansa.
Ang pagkakahuli sa suspek ay resulta ng masigasig na operasyon ng ating kapulisan upang masugpo ang kriminalidad sa ating bansa. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Panulat Patrolwoman Ma. Elena B Singian