Arestado ang isang Top 2 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Statutory Rape sa isinagawang law enforcement operation ng mga otoridad sa Bolong, Zamboanga City nito lamang ika-23 ng Setyembre 2024.
Kinilala ni Police Captain Mohalden A Layugan, Officer-In-Charge ng Zamboanga City Police Station 3, ang naarestong suspek na si alyas “Gelo”, 27 anyos, lalaki at residente ng Sition Pamingitan, Bolong, Zamboanga City.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.