Arestado ang isang Top 2 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Qualified Rape sa isinagawang joint law enforcement operation ng mga otoridad sa Purok 2 Baranhay Sangali, Zamboanga City nito lamang ika-06 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Captain Mohaliden A Layugan, Officer in- Charge ng Zamboanga City Police Station 3, ang naarestong suspek na si alyas “Sal”, 52 anyos, lalaki at residente ng Purok 3 Barangay Sangali, Zamboanga City.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Qualified Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco