Napasakamay ng mga awtoridad ang Top 2 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Murder sa ikinasang law enforcement operation sa Purok 4, Sangali, Zamboanga City nito lamang ika-1 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Captain Mohaliden A Layugan, Officer-In-Charge ng Zamboanga City Police Station 3, ang suspek na si alyas “Baban”, 32 anyos at residente ng nasabing lugar.
Mahaharap ang suspek sa kasong Murder sa ilalim ng Criminal Case No. 54676 na walang inirekomendang piyansa.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay lamang sa epektibong pagpapatupad ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko na sumisimbolo sa maayos, maunlad at mapayapang bansa para sa umuunlad na Bagong Pilipinas.