Arestado ang isang Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga operatiba ng Sual Municipal Police Station bandang 1:00 ng hapon sa Barangay Victoria, Alaminos City nitong Linggo, ika-11 ng Agosto 2024.
Kinilala ni PMaj Peter Paul V Sison, Chief of Police ng Sual MPS, ang suspek na si alyas “Emong”, 33 taong gulang at residente ng Camagsingalan, Sual, Pangasinan.
Si alyas “Emong” ay tinaguriang Top 2 Most Wanted Person sa Municipal Leval na naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang kaukulang piyansa.
Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng mga kapulisan na tiyakin ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.
Source: Sual Municipal Police Station
Panulat ni PMSg Bader Ceasar Ayco