Pasuquin, Ilocos Norte – Arestado ng Pasuquin PNP ang Top 2 Municipal Most Wanted Person sa kasong Attempted Murder nito lamang November 01, 2022.
Kinilala ni PLt Tolentino Erum Jr, Officer-In-Charge ng Pasuquin PNP, ang suspek na si Sadam Ramos y Balanay, 31, residente ng Brgy. Pragata, Pasuquin, Ilocos Norte.
Ayon kay PLt Erum, naaresto ang suspek bandang 7:00 AM ng umaga ng mga operatiba ng Pasiquin Municipal Police Station, kasama ang Provincial Intelligence Unit, Ilocos Norte PPO, INTPU, 101st MC, RMFB1, at Luna MPS.
Ayon pa kay PLt Erum, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder at may rekomendadong piyansa Php120, 000.000
Ang PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik at maayos ang komunidad.
Source: Pasuquin, Municipal Police Station, Ilocos Norte
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal