Arestado ang Top 2 Municipal Most Wanted Person ng mga operatiba ng Malalag Municipal Police Station sa Purok Sampaguita, Barangay Bulacan, Malalag, Davao del Sur nito lamang umaga ng Lunes, Setyembre 30, 2024.
Kinilala ni Police Captain Diosdado S Niones II, Officer-In-Charge ng Malalag MPS, ang suspek na si alyas “Jhon”, 22 anyos, isang manggagawa at residente ng Purok 5, Barangay Ibo, Malalag, Davao del Sur.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Sexual Assault kaugnay sa Section 5(B) ng Republic Act 7610 na may piyansang Php200,000 na inihain ng nasabing istasyon katuwang ang 1st Davao Sur Provincial Mobile Force Company at Maritime Law Enforcement Unit.
Patuloy ang mga tauhan ng Police Regional Office 11 sa pagsagawa ng Manhunt Charlie Operation upang mahuli at managot sa batas. Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino