Dasmariñas, Cavite (February 20, 2022) – Arestado ang Top 2 Most Wanted Person (MWP) ng Manaoag, Pangasinan sa Barangay Paliparan lll, Dasmariñas, Cavite noong Pebrero 20, 2022.
Pinangunahan ng Manaoag Police Station (PS) ang operasyon sa direktang pangangasiwa ng kanilang Officer-In-Charge na si Police Major Fernando Fernandez, Jr., Regional Intelligence Division (RID) 1 at ng Dasmariñas City Police Station (CPS).
Kinilala ang suspek na si Arturo Niegos y Corsino, 41 taong gulang, may live-in partner, skilled carpenter at tubong Barangay Lelemaan, Manaoag, Pangasinan at kasalukuyang nakatira sa Barangay Tibed, Silang, Cavite.
Naaresto ang nasabing suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na inilabas ni Hon. Erwin B. Maynigo, Assisting Judge ng Regional Trial Court (RTC), Branch 29 Urdaneta City, Pangasinan noong Agosto 23, 2021 na may Criminal Case Number U-27306 at walang rekomendadong piyansa.
Ang suspek ay binigyan ng atensyong medikal sa Manaoag Community Hospital at kasalukuyang nasa kustodiya ng Manaoag PS para sa pormal na pagdodokumentaryo bago ipresenta sa korte.
Source: Manaoag Police Station
###
Panulat ni PSSg Vanessa A Natividad, RPCADU1
Saludo s PNP serbisyong Tapat