Bugallon, Pangasinan – Arestado ang Top 2 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Statutory Rape (3 Counts) sa Manhunt Operation ng PRO 1 nitong Huwebes, Mayo 5, 2022.
Kinilala ni Police Major Daryl Nevado, Officer-in-Charge ng Bugallon Municipal Police Station, ang suspek na si Edmark Gallardo y Valerio, 29, residente ng Barangay Magtaking, Bugallon, Pangasinan.
Ayon kay PMaj Nevado, bandang 5:30 ng hapon naaresto ang suspek sa Barangay Camagsingalan, Sual, Pangasinan sa pinagsanib puwersa ng Sual Municipal Police Station, Regional Intelligence Division-PRO1, Pangasinan Provincial Intelligence Unit, Pangasinan Investigation Detective Management Unit at Pangasinan Intelligence Team.
Dagdag pa ni PMaj Nevado, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape (3 Counts) na walang rekomendadong piyansa.
Ang tagumpay ng PNP laban sa mga taong may pananagutan sa batas ay bunga ng pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan.
Source: Bugallon Municipal Police Station
Panulat ni Patrolman Dennis Carinal