Romblon – Arestado ang Top 2 Most Wanted Person sa kasong rape sa isinagawang Joint Operation ng Romblon PNP nito lamang Huwebes, Abril 21, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Raynold Rosero, Romblon Police Provincial Office Director, ang suspek na si Jonathan Galindez Miñeque, 25, residente ng Sitio Kapatagan, Barangay Buli, San Agustin, Romblon.
Ayon kay PCol Rosero, naaresto si Miñeque sa nasabing barangay sa pinagsanib puwersa ng Provincial Intelligence Unit ng Romblon Police Provincial Office, San Agustin Municipal Police Station at Ferrol Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan at ng bansa.
Source: RPIO MIMAROPA
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus