Sta. Josefa, Agusan del Sur – Kalaboso ang Top 2 Most Wanted Person (Provincial Level) sa kasong Rape sa isinagawang Manhunt Charlie ng Sta. Josefa PNP nito lamang Martes, Mayo 24, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Ricky Ramos, Officer-in-Charge ng Sta. Josefa Municipal Police Station, ang nadakip na si Jerwin Dagum, 23, at residente ng Purok 9, Proper Angas, Sta. Josefa, Agusan del Sur.
Ayon kay PLt Ramos, bandang 7:15 ng umaga nang arestuhin si Dagum sa nasabing lugar sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts of Rape in relation to RA 7610 (Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) na walang nirekomendang piyansa.
Ang PNP ay mariing kinokondena ang pananamantala sa mga menor-de-edad lalung-lalo na sa pamamaraan ng sekswal na pang-aabuso at papanagutin ang sinumang magkakasala upang mabigyang kapanatagan at hustisya ang biktima.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13