Abulug, Cagayan – Arestado ang Top 2 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Rape sa isinagawang operasyon ng Cagayan PNP noong Mayo 4, 2022.
Kinilala ni Police Major Ignacio Dinulong Jr, Chief of Police ng Abulug Police Station, ang suspek na si Emmanuel Valentin y Leano, 32, construction worker at residente ng Brgy. Libertad, Abulug, Cagayan.
Ayon kay PMaj Dinulong Jr, bandang 9:45 ng umaga ng naaresto ang suspek sa nasabing barangay sa pinagsanib puwersa ng Abulug Police Station at 2nd Provincial Mobile Force Company.
Ayon pa kay PMaj Dinulong Jr, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape (Sexual Assault) na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Ang Cagayan PNP ay lalong paiigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad para sa kaligtasan, kapayapaan at katahimikan ng ating bansa.
Source: Abulug Police Station
###
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag