Lugait, Misamis Oriental – Arestado ang Top 2 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Qualified Rape sa isinagawang Manhunt Operation ng Lugait PNP nito lamang May 3, 2022.
Kinilala ni Police Major Ron Baba, Officer-in-Charge ng Lugait Municipal Police Station, ang naaresto na si Joebert Impas Calunod, 38 at residente ng Purok Masilakon 2, Brgy. Poblacion, Lugait, Misamis Oriental.
Ayon kay PMaj Baba, nadakip ang suspek bandang 6:30 ng umaga ng mga operatiba ng Lugait Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Qualified Rape at walang rekomendadong piyansa.
Ang pagkakaaresto ng suspek ay isa na namang patunay na ang hanay ng PNP ay patuloy sa kanilang hakbang upang hulihin ang bawat personalidad na may pananagutan sa batas at mabigyan ng katarungan ang mga naging biktima at ang kanilang pamilya.
###
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan /RPCADU 10