Mangatarem, Pangasinan – Arestado ng ng mga tauhan ng PRO 1 ang Top 2 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong paglabag sa RA 7610 noong ika-6 ng Hulyo 2022.
Kinilala ni Police Major Arturo C Melchor Jr, hepe ng Mangatarem Municipal Police Station, ang suspek na si Ken Lee Cezar Aquino y Dalupe, 34, residente ng Brgy. Baracbac, Mangatarem, Pangasinan.
Ayon kay PMaj Melchor, naaresto ang suspek bandang 1:59 ng hapon sa Brgy. Calvo, Mangatarem, Pangasinan ng mga operatiba ng Mangatarem MPS, Regional Intelligence Division-PRO1, Regional Intelligence Unit at Provincial Intelligence Unit.
Ayon pa kay PMaj Melchor, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts of Rape through Sexual Assault kaugnay sa RA 7610 na may rekomendadong piyansa na Php200,000 at Rape in relation to RA 7610 na walang rekomendadong piyansa.
Ang operasyon ng PRO1 ay naging matagumpay dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mamamayan at mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para sa katahimikan at kapayapaan ng kanilang pamayanan.
Source: Mangatarem Municipal Police Station
###
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan/RPCADU1