Nueva Era, Ilocos Norte – Arestado ang Top 2 Most Wanted Person (Provincial Level) sa kasong Frustrated Murder sa Manhunt Operation ng PRO 1 nitong Miyerkules, Abril 27, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Tolentino Erum Jr, Officer-in-Charge ng Nueva Era Municipal Police Station, ang suspek na si Ludy Oamil y Constantino, 42, residente ng Barangay 2 Poblacion, Currimao, Ilocos Norte.
Ayon kay PLt Erum Jr, bandang 4:00 ng hapon naaresto ang suspek sa nasabing barangay sa pinagsanib puwersa ng Currimao Municipal Police Station, Regional Drug Enforcement Unit 1, Regional Intelligence Division-PRO1, Ilocos Norte Provincial Intelligence Unit, 101st Coy Regional Mobile Force Battalion 1 Bomitog at Ilocos Norte Provincial Explosive Ordnance and Canine Unit.
Dagdag pa ni PLt Erum, naaresto ang suspek sa bisa ng Alias Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may rekomendadong piyansa Php200,000.
Ang tagumpay ng PNP laban sa mga taong may pananagutan sa batas ay bunga ng pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan.
Source: Nueva Era Municipal Police Station
###
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan