Abulug, Cagayan (February 26, 2022) – Boluntaryong sumuko ang Top 2 Most Wanted Person (Regional Level) habang nagsasagawa ang Abulug Municipal Police Station ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa Brgy. Libertad, Abulug, Cagayan noong Pebrero 26, 2022.
Kinilala ng otoridad ang suspek na si Herbert Maguddadatu na may Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa at Frustrated Murder na may piyansang Php200,000.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Abulug Municipal Police Station (MPS) kung saan siya ay nagboluntaryong sumuko.
Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagsisikap ng kapulisan upang mahuli na ang iba pang mga nagtatago sa batas at maiharap ang mga ito sa korte.
Patuloy din ang panawagan ng mga kapulisan sa komunidad na sila ay makiisa at tulungan sila sa kanilang adhikain na mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa pamayanan.
###
Panulat ni PSSg Mary Joy D Reyes, RPCADU2
Ganyan sana lahat sumusuko para sa kapayapaan at kaayusan ng bayan..Saludo tayo s mga awtoridad