Ilocos Sur – Arestado ng pulisya ang Top 2 Most Wanted Person ng Caoayan, Ilocos Sur sa kasong Acts of Lasciviousness nito lamang ika-30 ng Marso 2023.
Kinilala ni Police Captain Allan Reoliquio, Officer-In-Charge ng Caoayan MPS, ang suspek na si Rogel Brieta y Rabara, 71, residente ng Brgy. Villamar, Caoayan, Ilocos Sur.
Ayon kay PCpt Reoliquio, bandang 10:30 ng umaga nang maaresto ang suspek sa kanyang tahanan ng mga operatiba ng San Ildefonso MPS, Provincial Intelligence Unit-Ilocos Sur, 1st Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company.
Dagdag pa ni PCpt Reoliquio, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Acts of Lasciviousness (2 Counts) in relation to RA 7610 na may rekomendadong piyansa na Php120,000 bawat isa.
Naging matagumpay ang operasyon ng PNP dahil sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas para sa tahimik at ligtas na pamayanan.
Source: Caoayan MPS
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan