Laguna – Arestado sa joint manhunt operation ng mga tauhan ng PNP ang isang Top 2 Most Wanted Person ng CALABARZON nito lamang Nobyembre 27, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas ‘’Butchoy”, 41, residente ng Santo Rosario Street, Pulang Lupa, Valenzuela City.
Naaresto ang suspek ganap na 6:00 ng hapon sa Brgy. West Poblacion, Rizal, Laguna sa joint manhunt operation ng mga operatiba ng Rizal Municipal Police Station katuwang ang National Capital Region police Office (NCRPO), Provincial Intelligence Team ng Laguna at Regional Intelligence Unit 4A.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa at paglabag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may inirekomendang piyansa na Php180,000.
Ayon sa pahayag ni PCol Depositar, “Ito ay isang patunay lamang na walang makakapagtago sa kamay ng batas at matatakasan ang kanilang mga kasong kinakaharap, ito ay isang indikasyon din na buo ang suporta ng mamamayan sa kapulisan dahil sa mga impormasyon na kanilang ibinibigay.”
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin