Eastern Samar – Arestado ang Provincial Level Top 2 Most Wanted Person na miyembro ng teroristang grupong CPP-NPA sa manhunt operation ng kapulisan ng Eastern Samar nito lamang Lunes, Marso 7, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Matthe Aseo, Provincial Director ng Eastern Samar Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si Rolando Borac, 52 at residente ng Brgy. Burak, Llorente, Eastern Samar.
Ayon kay Police Colonel Aseo, bandang 10:15 ng umaga nahuli si Borac sa Brgy. Burak, Llorente, Eastern Samar sa pinagsanib na puwersa ng Llorente Municipal Police Station at ESPPO-PIU.
Ayon kay Police Colonel Aseo, si Borac ay may standing Warrant of Arrest para sa kasong murder na naka-docket sa ilalim ng Criminal Case No. 11589 na walang piyansang inirekomenda at inisyu noong Nobyembre 15, 2005.
Ayon pa kay Police Colonel Aseo, si Borac ay nakilala rin na isang Chairman ng Barangay Organization Party (BOP) sa mga barangay ng Burak, Canduros at Magtino ng Llorente, Eastern Samar at pangulo ng samahan ng mga magsasaka ng Under Ground Mass Organization (UGMO) na inorganisa ng SYP Platoon Code Name: Fred Arandia Command.
Pinuri ni Police Colonel Aseo ang mga operatiba ng Llorente Municipal Police Station, Eastern Samar Police Provincial Office at Provincial Intelligence Unit sa matagumpay na pagkakahuli sa suspek. Nagpapatunay lamang na hindi makakawala sa batas ang mga taong gumagawa ng ganitong uri ng krimen.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn Valdez