Kulungan ang bagsak ng Top 2 Most Wanted Person sa Provincial Level na may kasong Acts of Lasciviousness matapos maaresto ng kapulisan ng Bacong sa isinagawang operasyon sa Barangay West Poblacion, Bacong, Negros Oriental, noong ika-26 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Major Vann Joel C Tingson, Chief of Police ng Bacong Municipal Police Station, Negros Oriental Police Provincial Office, ang suspek na si “Keney”, 27-anyos na residente ng Barangay Looc, Dumaguete City, Negros Oriental.
Bandang 7:05 ng gabi ng maaresto ng kapulisan ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 3 Counts ng Acts of Lasciviousness kaugnay sa Article III ng Republic Act 7610 na may Php180,000 rekomendadong piyansa bawat kaso o Php540,000 ang kabuuang piyansa.
Ang matagumpay na pagkaaresto ng suspek ay bunga ng pinagsanib pwersa ng Bacong MPS, Provincial Intelligence Unit, NOPPO, 705th Maneuver Company, at Regional Mobile Force Battalion 7.
Ang kapulisan ng Bacong ay patuloy sa masigasig nitong operasyon sa pagtugis sa mga kriminal upang tiyak na mapanagot sa batas dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!.
Source: Bacong MPS SR