Pangasinan – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang manhunt operation ng Sta Barbara PNP sa Brgy. Poblacion Sur, Sta. Barbara, Pangasinan nito lamang Lunes, ika-16 ng Enero 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roderick Gonzales, Officer-In-Charge ng Santa Barbara Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas Nilo, 41, at residente ng Brgy. Payas, Sta. Barbara, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Gonzales, bandang 7:52 ng umaga nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng Sta. Barbara Municipal Police Station at may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.