Lapu-Lapu City – Timbog ang Top 2 City Most Wanted Person na may kasong Qualified Rape sa operasyon ng PNP Sitio Sea Breeze Saac II, Brgy. Mactan, Lapu-Lapu City noong Sabado, Pebrero 25, 2023.
Kinilala ni Police Major Caesar Acompañado, Officer-In-Charge ng Cebu City Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Noel” na nahuli bandang alas-6:45 ng mga operatiba ng Cebu City Mobile Force Company (CMFC), Lapu-Lapu City Police Office (LCPO), Cebu Police Provincial Office (CPPO) at ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) sa bisa ng Warrant of Arrest.
Ang matagumpay na pagkakadakip sa akusado ay patunay lamang sa mahusay at maayos na pagpapatupad ng PNP ng kanilang tungkulin sa patuloy na pagsusulong ng kaayusan at kapayapaan ng komunidad.