Himas rehas ang lalaking Top 2 Most Wanted Person sa City Level na nahaharap sa anim na kaso matapos maaresto ng kapulisan ng Lapu-Lapu City sa City Hall, site, Barangay Pusok, Lapu-Lapu City, Cebu noong ika-19 ng Nobyembre 2024.
Ayon kay Police Major Ramil Q Dugan, Station Commander ng Police Station 5, Lapu-Lapu City Police Office, bandang 4:40 ng hapon ng maaresto ng kapulisan ang suspek na si “Andres”, 45 anyos na residente ng Proper, Barangay Punta Engaño, Lapu-lapu City, Cebu.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Qualified Statutory Rape na walang piyansa, dalawang kaso ng Lascivious Conduct na may Php200,000 piyansa bawat isa at tatlong kaso ng Sexual Assault na may Php180,000 piyansa bawat kaso.
Ang kapulisan ng Lapu-Lapu City ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya sa lahat ng uri ng kriminalidad para matiyak ang kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Source: PS 5, LCPO SR