Arestado ang Top 2 City Most Wanted Person sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga operatiba ng San Carlos City Police Station sa Barangay Libas, San Carlos City, Pangasinan nito lamang Lunes, Marso 18, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Jeff Fanged, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Otep”, 33, residente ng Barangay Libas, San Carlos City, Pangasinan.
Ayon kay PCol Fanged, naaresto ang suspek bandang 10:40 ng umaga ng mga tauhan ng San Carlos City Police Station, sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Acts of Lasciviousness (Revised Penal Code Article 336) kaugnay ng Seksyon 5(b) ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act na may piyansa na Php200,000.
Patuloy ang pagtutulungan ng pulisya at mamamayan upang matunton at mahuli ang mga taong may pananagutan sa batas at mabigyan ng hustisya ang kanilang mga naging biktima.
Source: San Carlos City, Pangasinan
Panulat ni Pat Aileen Arvie Eustaquio