Mauban, Quezon – Arestado ang Top 12 Most Wanted Person (Provincial Level) sa operasyon ng Quezon PNP nitong Martes, Mayo 17, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Joel Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, ang suspek na si Arvin Envase Salvatus alyas “Kevin”, 42, residente ng Brgy. Soledad, Mauban, Quezon.
Ayon kay PCol Villanueva, bandang 1:40 ng hapon naaresto ang suspek sa naturang barangay ng pinagsanib na pwersa ng Mauban Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit-Quezon.
Ayon pa kay PCol Villanueva, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may rekomendadong piyansa na Php180,000.
Ang tagumpay ng Quezon PNP ay bunga ng pinaigting at aktibong pakikipag-ugnayan sa pamayanan sa pamamagitan ng Community Mobilization Program (CMP).
Source: Quezon Police Provincial Office-PIO
###
Panulat ni Patrolman Mark Lawrence Atencio/RPCADU 4A