Davao City – Arestado ang isang lalaki sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng tauhan ng Bunawan PNP sa Purok Saguitarius, Brgy. Lasang Davao City, noong Enero 6, 2022.
Kinilala ni Police Major Robel Saavedra, Acting Station Commander ng Bunawan Police Station, ang suspek na si alyas “Tito Bermoy”, 49, residente ng nasabing lugar na tinaguriang Top 10 Most Wanted Person sa station level.
Ayon kay PMaj Saavedra, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong frustratated murder ng tauhan ng Bunawan PS na may Php200,000 piyansang inirekomenda.
Pinuri naman ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director ang nasabing operasyon dahil sa matagumpay na pagkakadakip sa suspek na lalong maglalapit sa kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara