Oriental Mindoro – Arestado ang isang Top 10 Regional Most Wanted Person sa isinagawang LOI Manhunt Charlie ng mga tauhan ng Naujan Municipal Police Station sa Brgy. Kalinisan, Naujan, Oriental Mindoro noong ika-17 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Nonato Banania Jr., Chief of Police ng Naujan MPS, ang suspek na si alyas “Pedro”, residente ng Naujan, Oriental Mindoro, at kabilang sa Top 10 Most Wanted Person sa Regional Level.
Ayon kay PLtCol Banania Jr., naaresto ang suspek sa isinagawang LOI Manhunt Charlie ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Naujan MPS, PRO MIMAROPA RID, Oriental Mindoro PPO 1st PMFC, 404th Battalion Maneuver Company, RMFB 4B, at CIDG MIMAROPA.
Ayon pa kay PLtCol Banania Jr., naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape sa ilalim ng Par. 2 Art 226-A ng RPC, as amended by RA 8353 o ang Anti-Rape Law of 1997 na may inirekomendang piyansa na Php120,000 at Rape under Par. 1 Art 226-A of the RPC, as amended by RA 8353 na walang inirekomendang piyansa.
Ang ating PNP ay hindi titigil sa paglaban sa mga may pagkakasala sa batas at iba pang ilegal na aktibidad para manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus