Hawak na ng kapulisan ng Tagbilaran City ang Top 10 Regional Most Wanted Person na may kasong rape matapos makalaboso ng mga awtoridad sa Barangay Sabang II, Allen, Northern Samar, bandang 2:30 ng hapon noong ika-10 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel John Kareen Oliveros Escober, Chief of Police ng Tagbilaran City Police Station, Bohol Police Provincial Office, ang suspek na si “Ricardo”, 56 anyos na residente ng Purok 1, Barangay Booy, Tagbilaran City, Bohol.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong rape na walang rekomendadong piyansa.
Ang matagumpay na pagkaaresto ng naturang suspek ay bunga ng pinagsanib-pwersa ng Tagbilaran CPS, PIU-BPPO, 702nd Maneuver Company-RMFB7, 1st PMFC Northern Samar Police Provincial Office, Allen Municipal Police Station at Northern Samar PPO.
Ang matagumpay na pagkakadakip sa suspek ay patunay ng isang mahusay at walang humpay na kampanya ng kapulisan ng Bohol at pamahalaan laban sa lahat ng uri ng kriminalidad upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Source: Tagbilaran CPS SR