Cagayan de Oro City – Arestado ang Top 10 Regional Level PDEA Target list sa ikinasang buy-bust operation ng Cagayan de Oro City Police Station 7 sa Purok 5, Sitio Tagunao, Barangay Indahag, Cagayan de Oro City bandang 9:30 ng umaga nito lamang ika-21 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Major Rutherford Ondin, Station Commander ng Cagayan de Oro City Police Station 7, ang suspek na si alyas “Eming”, 40 anyos at residente ng Zone 3, Sitio Tuguanao, Barangay Indahag, Cagayan de Oro City na tinaguriang Top 10 Regional Level PDEA Target List.
Sa naturang operasyon nakuha ang 11 na pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na dalawang gramo na may halagang Php13,600 at isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Cagayan de Oro City PNP sa mandato laban sa ilegal na droga at kriminalidad sa kanilang nasasakupang lungsod upang matiyak na payapa at ligtas ang mga mamamayan.