Arestado sa ikinasang joint drug buy-bust operation ng Cagayan de Oro City Drug Enforcement Unit, kasama ang PNP Criminal Investigation and Detection Unit 10 at PDEA 10 ang isang High Value Individual sa Barangay Bugo, Cagayan de oro City, Misamis Oriental nito lamang ika-12 ng Hunyo 2025.
Kinilala ni Police Chief Master Sergeant Allan Dacut, Team Leader ng RDEU 10, ang suspek na si alyas “Liki” 38 anyos, residente ng nasabing lugar, isang ex-convict at kinilalang isa sa Top 10 Regional Drug Personality.
Sa ikinasang joint buy-bust operation ay nakumpiska ang 10 pakete na hinihinalang shabu na may bigat na 60 na gramo at may Standard Drug Price na Php408,000, isang Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money at iba pang mga non-drug items.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagpapaigting kontra iligal na droga para sa seguridad at kaligtasan ng komunidad.