Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest ng mga tauhan ng Laur Municipal Police Station ang Top 10 Most Wanted Person sa Provincial Level sa kasong Murder, sa Barangay San Isidro, Laur, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules, ika-6 ng Nobyembre 2024.
Ayon kay Police Major Joseph B. Morder, Chief of Police ng Laur Municipal Police Station, ang suspek na isang helper, residente ng Barangay Calabasa, Gabaldon, Nueva Ecija.
Ang pagkakaaresto ay resulta ng isang joint manhunt operation sa pagitan ng Gabaldon MPS at 1st Provincial Mobile Force Company ng Nueva Ecija Police Provincial Office sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang piyansang.
Patunay na ang Nueva Ecija PNP ay patuloy ang pagsisikap na sugpuin ang kriminalidad sa bansa, katuwang ang sambayanang Pilipino, para sa inaasam na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Mildred A Tawagon