Naguilian, La Union – Arestado ng Naguilian Municipal Police Station ang Top 10 Provincial Most Wanted Person sa kasong paglabag sa RA 9165 sa Brgy. Baraoas Norte, Naguilian, La Union nitong Biyernes ika-23 ng Setyembre 2022.
Kinilala ni Police Major Jayson T Manuel, Hepe ng Naguilian MPS, ang suspek na si Christopher Villaduz Y Marzan, 49, may asawa, security guard at residente ng Brgy. Baraoas Sur, Naguilian, La Union.
Ayon kay PMaj Manuel, bandang 10:43 ng umaga nang naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Naguilian MPS katuwang ang Regional Police Drug Enforcement Unit, Provincial Police Drug Enforcement Unit, Regional Mobile Force Battalion 1, La Union Provincial Intelligence Unit and 1st and 2nd La Union Provincial Mobile Force Company.
Dagdag pa ni PMaj Manuel, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Naguilian PNP ay patuloy sa pagtuligsa sa may kasalanan sa batas upang mapanagot ang mga ito at matiyak ang mapayapa at maayos na komunidad.
Source: Naguilian MPS
Panulat ni PSSg Marvin Jake Romero