Boluntaryong sumuko ang isang Top 10 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Qualified Theft sa Zamboanga City Police Station 4 nito lamang ika-01 ng Agusto 2024.
Kinilala ni Police Captain John Riego P Sundayan, Officer-In-Charge, ang sumukong suspek na si alyas “Ruv”, babae, 28 anyos, residente ng Socorro Street Barangay Mercedes, Zamboanga City.

Ang sumuko ay may Warrant of Arrest sa kasong Qualified Theft (RPC Art 310) na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan, seguridad at magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco