San Fernando, Bukidnon – Arestado ang Top 10 Most Wanted Person (Municipal Level) sa patong-patong na kaso sa isinagawang Simultaneous Anti Criminality Law-Enforcement Operation ng Bukidnon PNP nito lamang Huwebes, Abril 5, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si Richard Patulilik Precillas, 32, mason, residente ng Purok 3, Brgy. Little Baguio, San Fernando, Bukidnon.
Ayon kay PCol Lagare, bandang 1:30 ng hapon naaresto si Precillas sa nasabing barangay ng pinagsamang operatiba ng 1st Bukidnon Provincial mobile Force Company; Provincial Intelligence Unit-Bukidnon; 103rd Maneuver Company-Regional Mobile Force Battallion-10 at San Fernando Municipal Police Station.
Naaresto si Precillas sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts of Statutory Rape; 2 Counts of Sexual Abuse na parehong walang nirekomendang piyansa at 3 Counts of Act of Lasciviousness na may inirekomendang piyansa na Php180,000 bawat isa sa 3 counts na may kabuuan na Php540,000.
Ang Bukidnon PNP ay mas pinaigting ang kampanya laban sa kriminalidad upang mas maging maunlad at payapa ang komunidad.
Source: San Fernando Municipal Police Station
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz