Arestado ng kapulisan ng Manjuyod ang Top 10 Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion, Manjuyod, Negros Oriental, noong ika-3 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Captain Pol L Lacandula, Officer-In-Charge ng Manjuyod Municipal Police Station, Negros Oriental Police Provincial Office, ang suspek na si Nicklair, 20-anyos, residente ng Barangay Lamogong, Manjuyod Negros Oriental.
Bandang 8:11 ng umaga ng maaresto ng kapulisan ang suspek sa bisa ng Warrat of Arrest para sa kasong Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.
Ang Manjuyod PNP ay patuloy sa masigasig nitong operasyon sa pagtugis sa mga kriminal upang tiyak na mapanagot sa batas. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!.
Source: Manjuyod MPS SR