Timbog sa bisa ng Warrant of Arrest ang Top 10 City Most Wanted Person ng Baguio City Police Office, 3rd Quarter 2024, para sa kasong Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons nito lamang ika-6 ng Setyembre, 2024.
Kinilala ang suspek na isang 32 taong gulang na lalaki, walang asawa at residente ng Upper Market, Baguio City.
Ayon kay Police Colonel Francisco Bulwayan Jr., City Director ng Baguio City Police Office, ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Baguio City Police Office-PS 9, katuwang ang mga tauhan ng City Intelligence Team Baguio, Regional Intelligence Unit-14, Tactical Support Company ng Regional Mobile Force Battalion 15, at Police Station 7, Criminal Investigation Unit and Crime Investigation and Detection Management Unit ng Baguio City Police Office.
Ang matagumpay na operasyon ay patunay lamang na ang Pambansang Pulisya, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad at paghuli sa mga may sala sa batas. Ito ay bilang pagsuporta sa Whole of the Nation Approach ni PBBM tungo sa Bagong Pilipinas.