Davao City – Arestado ang isang lalaki sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie Operation sa Buhangin, Davao City nito lamang Marso 22, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ernesto Gregore, Chief of Police ng Mati City Police Station, ang suspek na si alyas “Cris”, 30, residente ng Mintal, Davao City na tinaguriang Top 10 Most Wanted Person sa City Level.
Ayon kay PLtCol Gregore, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng Mati PNP at sa pakikipagtulungan sa Buhangin PNP sa kasong Syndicated Estafa na walang piyansang inirekomenda.
Patuloy ang PNP sa operasyon upang mahuli ang mga wanted person sa rehiyon onse upang maging mapayapa at maayos ang ating bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara/RPCADU11