Arestado ang Top 1 Most Wanted Person sa Station Level sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Iligan City PNP nito lamang ika-1 ng Pebrero 2024 sa Purok 5, Brgy. Kiwalan, Iligan City.
Kinilala ni Police Captain Sedrix Mag-Abo, Station Commander ng Iligan City Station 3, ang suspek na si alyas “Nida ‘’, 27, may asawa, walang trabaho at residente ng Purok 17, Brgy. Kiwalan, Iligan City.
Ito ay sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9208 o Qualified Trafficking in Persons na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Ang Iligan City PNP ay patuloy na nagbibigay ng importansya sa kampanya laban sa kriminalidad at paglaban sa ilegal na aktibidad, at naglalayong mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lungsod ng Iligan.
Panulat ni Patrolwoman Reena Celestine Sendrijas