Walang palag sa mga awtoridad ang tinaguriang Top 1 Station Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape matapos mahuli sa Barangay Cagbuhangin, Ormoc City nito lamang Pebrero 02, 2025.
Kinilala ni Police Captain Rodolfo G Mercolita, Officer-In-Charge ng Ormoc City Police Station 2, ang suspek na si alyas “Chris”, 22 anyos at residente ng Barangay Cagbuhangin, Ormoc City.
Bandang 8:30 ng umaga nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Ormoc City Police Station 2 kasama ang Ormoc City Intelligence Unit at Ormoc City Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A (1) (D) ng Revised Penal Code na walang piyansa.
Patunay lamang na ang Ormoc City PNP ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas upang mapanatiling ligtas ang komunidad ng sa gayon maipatupad ang kapayapaan sa bansa para sa ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian